Isa na namang Pinoy boxer ang nabigo sa Puerto Rican makaraang madaig sa puntos ng walang talong si McJoe Arroyo si Mark Anthony Geraldo sa 12-round IBF super flyweight eliminator bout kamakailan sa El San Juan Resort and Casino sa Carolina, Puerto Rico.

“Unbeaten McJoe Arroyo (16-0, 8 KOs) defeated Mark Geraldo (31-5-3, 14 KOs) by unanimous twelve round decision in an IBF super flyweight elimination bout on Saturday night at the El San Juan Resort and Casino in Carolina, Puerto Rico,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Geraldo was down in round eight and was deducted a point in round twelve. Scores were 119-107, 119-107 and 118-108.”

Bagamat nakipagsabayan si Geraldo kay Arroyo ay hindi siya mananalo maliban kung patutulugin ang Puerto Rican dahil suntok sa buwan na magwawagi sa puntos ang isang boksingerong Pinoy sa bansang sikat sa hometown decisions.

Nabigo rin si dating Philippine at OPBF super featherweight champion Ronald Pontillas na maiuwi ang interim WBO Asia Pacific lightweight title matapos siyang patulugin sa 5th round ni dating IBO lightweight titlist Daud Yordan sa Pangsuma Stadium, Pontianak, Indonesia.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bumagsak at hindi na nakabangon si Pontillas nang tamaan sa bodega ni Yordan kaya nabilangan ng sampu at idineklara ni referee Nus Ririhena na bagong regional champion ng WBO ang kanyang kababayan na nahubaran ng IBO world title may dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas.