“Malamig ang Pasko ko.”

Ito ang inamin ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos ibasura ng Sandiganbayan First Division ang kanyang petisyon para makapagpiyansa.

Humarap si Revilla sa Sandiganbayan kamakalawa sa pagdinig sa motion for reconsideration na kanyang inihain sa pag-asang babaligtarin ng korte ang resolusyon na ipinalabas nito noong Disyembre 2 na nagbabasura sa kanyang hiling na payagan siyang makapagpiyansa.

Sa kabila nito, umaasa pa rin ang senador na papaboran ng Sandiganbayan First Division ang kanyang bail petition.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Naniniwala pa rin ako na meron tayong hustisya sa ating bansa. In good time, hindi pa iyon last December. Pero sana sa ating MR (motion for reconsideration) ma-grant na,” pahayag ni Bong sa panayam ng media.

Matapos ibasura ng korte ang inihaing mosyon ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada sa Sandiganbayan para mapagkalooban ng Christmas furlough, hindi nagsumite ng sariling mosyon si Revilla upang hilingin na payagan siyang magdiwang ng Pasko sa labas ng piitan.

Nang tanungin ng media kung bakit hindi na siya humiling ng furlough, aminado si Revilla na takot siyang okrayin ng mga netizen sa social media.

“Baka mamaya ma-lambast tayo sa social media niyan. Handa naman tayong magsakripisyo. Talagang ganoon,” pahayag ni Revilla.