SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Maging ang alagad ng batas ay hindi pinatatawad ng mga kawatan at kamakailan ay isang 39-anyos na sarhento ng pulisya at asawa nito ang natangayan ng P15,000 matapos biktimahin ng hindi pa nakikilalang holdaper habang papasok ang tricycle sa compound ng isang apartment sa bayang ito.

Sa report ni Chief Insp. Renato Morales, hepe ng San Leonardo Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, kinilala ang mga biktima na sina SP01 Samuel Cagungon, 39, nakatalaga sa 2nd Maneuvering Company ng Regional Public Safety Battalion sa Gapan City; at Mirasol Cagungon, kapwa ng nasabing lugar.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20