Inilagay na sa full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) simula noong Lunes dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyaherong uuwi sa mga probinsiya para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay NCRPO Director Carmelo Valmoria, ipinakalat nito ang mga pulis sa mga istratihiko at matataong lugar gaya ng bus terminal, pantalan, paliparan at commercial establishment sa Metro Manila.

Pinaigting din ang pagpapatrulya at police visibility sa mga simbahan dahil sa Simbang Gabi gayundin sa mga lansangan para masawata ang krimen.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon