Isang dating mayor ng Marawi City at anim na iba pa ang kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan matapos masangkot sa P2-milyon fertilizer fund scam noong 2004.

Kinasuhan ng Office of the Ombudsman si dating Marawi City Mayor Omar Ali sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kinasuhan din ng Ombudsman sina Joselito Flordeliza, pangulo ng National Organization for Agricultural Enhancement and Productivity Incorporated (NOAEPI); mga empleyado ng Dane Publishing House na sina Leonicia Llarena at Minda Bombase; at mga pribadong indibiduwal na sina Jaime Paule, Marilyn Araos, at Marites Aytona.

Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa sa bawat akusado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang kaso ay inihain ni Graft Investigation and Prosecution Officer I Karla Maria Barrios, isang miyembro ng Special Panel for Fertilizer Fund Scam.

Nakasaad sa charge sheet na nagkutsabahan umano sina Ali sa pagpabor sa NOAEPI sa proyektong Farm Inputs and Farm Implements Program (FIFIP) ng Department of Agriculture (DA) noong 2004 bagamat hindi ito pumasa sa kuwalipikasyon ng Commission on Audit.

Sa kabila nito, nagpalabas si Ali ng pondong P1,999,500 para sa NOAEPI.