MABINI, Batangas - Patay ang isang certified public accountant lawyer at diving instructor makaraang atakehin sa puso habang nasa diving session sa Mabini, Batangas.

Ayon sa report ni PO3 Oliver Maramot, dakong 9:30 ng umaga nitong Biyernes nang malunod umano si Nelson De Jesus, 46, taga-Las Piñas City.

Sinasabing kasama ni De Jesus ang anim na Malaysian guest ng Seas Spring Resort para sa diving session nang sumenyas siya sa mga kasama na kailangan niyang umahon dahil may problema sa kanyang tenga.

Makaraan ang ilang sandali ay nakita ng bangkero ang nakalutang na si De Jesus, na hindi na umabot nang buhay sa ospital.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20