Si Pope Francis na ba ang susi sa tuluyang pagkakasundo ng ilang dekada nang alitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP)?

Hinihiling ngayon ng isang militanteng grupo ang pamamagitan ni Pope Francis sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sinabi ni Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairperson Elmer Labog na umaasa silang magagawa ito ng Papa, matapos na pangunahan umano ng huli ang peace pact ng Amerika at Cuba.

Sinabi ni Labog na magagawa rin ito ng Papa para sa Pilipinas sa pananawagan nito sa gobyerno na palayain ang 491 political prisoner, na kinabibilangan ng mga miyembro ng NDFP, ang propaganda arm ng CPP. - Samuel Medenilla
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race