IPINAGTANGGOL ng kakilala namin sa Star Cinema si Kris Aquino sa isang isyu na walang kaalam-alam ang Queen of All Media.

Ayon sa aming source, walang katotohanan ang inilabas na isyu ni German “Kuya Germs” Moreno na umiiwas si Kris na magpa-interview sa kanya. Ito ang ipinagdiinang pahayag ng taga-Star Cinema na may konek sa promo ng pelikulang Feng Shui 2.

Sabi ng aming kausap, wala namang dahilan para umiwas si Kris kay Kuya Germs. Sa katunayan pa nga raw, talagang gumagawa sila ng paraan na mapagbigyan ang lahat ng gustong mag-interview sa TV host/ aktres para mai-promote nang husto ang pelikula nila ni Coco Martin na isa sa mga kasali sa Metro manila Film Festival.

Naglabas kasi ng hinaing si Kuya Germs sa press people at binanggit ng Kapusong TV host na sa presscon daw ng Feng Shui ay bukod tanging si Kris Aquino lang ang hindi nagpainterview sa kanya. Kaya nagtaka raw si Kuya Germs kung bakit parang iniiwasan siya ng kapatid ni PNoy.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20