KRIS-Aquino

KINUMUSTA namin si Kris Aquino sa kanyang personal assistant na si Alvin Cagui nitong Biyernes kung okay na ang Queen of All Media dahil nga tumaas sa 150/100 ang blood pressure niya noong Huwebes kaya isinugod siya sa hospital sanhi na rin ng sobrang pagod.

Ayon kay Alvin ay nagpapahinga na si Kris sa bahay at mahigpit ang bilin ng doktor na bed rest siya ng Saba do at Linggo at huwag kalimutang inumin ang mga iniresetang gamot.

Kaya wala ulit si Kris Aquino sa programa nila ni Boy Abunda na Aquino & Abunda Tonight noong Biyernes at maging sa The Buzz ngayong hapon.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Gamot ng anak na si Josh na may ibuprofen ang nainom ni Kris noong Lunes kaya na-allergy siya. Ang problema, dahil sa pagiging super professional, maski na namamaga ang mata at ilong ay sinipot pa rin niya ang live episode ng KrisTV kinaumagahan.

Dahil umayus-ayos na ang pakiramdam, sinipot na rin niya ang lahat ng iba pa niyang appointments hanggang noong Huwebes sa kanyang gift giving activity sa Baclaran Church, pero sumuko na talaga ang katawan niya.

Umaasa ang lahat lalo na ang Queen of All Media na gumaling na siya kaagad para makadalo siya sa Metro Manila Film Festival Parade kasama sina Coco Martin, at Cherie Pie Picache para sa entry ng Star Cinema at Kris Cojuangco Aquino Productions na Feng Shui 2 sa Disyembre 24, Martes.

Panalangin din ng grupo na kumita ang Feng Shui 2, na lumaki lalo ang gastos dahil nag-abono sila para sa additional shooting na inabutan ng deadline.

Ito ang post ni Kris sa kanyang social media accounts nitong Biyernes.

"KRIS HEALTH CONDITION UPDATE: Nurse Jordee is removing my IV LINE. I must commend St. Luke's Global. (I actually stayed in the same room my best friend Boy Abunda was confined in.)

"Doc Nick Cruz came by with Dr. de Guzman to explain that my IT Scan was good. My migraine headache came from muscle spasms from exhaustion coupled with the extreme heat during yesterday afternoon's gift giving event. The pain was what caused me to throw up & made my BP to go up to 150/100.

"I am being allowed to go home (I asked because I feel so uneasy being away from Kuya & Bimb) but with strict instructions to take my medication and have bed rest this weekend. Thank you to all of you who sent me texts and prayers for my recovery.

"Important realization for me is that having a professional work ethic is admirable but not when it's already detrimental to my health.

"I'd like to say sorry to @chadominic & @itsnachua for not being able to attend their wedding in Cebu, and sorry to all the Cebuanos because I wasn't allowed to travel tomorrow for our SM Cebu FENG SHU! mall show."