Dahil sa determinasyong muling mabigyan ng kampeonato ang kanilang koponan, dalawang manlalaro ng San Miguel Beer ang kabilang ngayon sa top ten players na nakahanay bilang kandidato para sa Best Player of the Conference sa ginaganap na PBA Philippine Cup.

Ito ay pinangunahan ni reigning league MVP na si Junemar Fajardo.

Katunayan, nasa No. 1 at No. 3 posisyon sa labanan para sa BPC sina Fajardo at dating league MVP na si Arwind Santos.

Nanguna sa tatlong departamento sa scoring, rebounds at blocks, malayong namumuno si Fajardo na may natipong 41.2 statistical points kasunod ang bagong alas ng Alaska Aces na si Calvin Abueva na may 35.8 statistical points.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matapos ang single round eliminations at double phase quarterfinals, nagtala ng average na 18.9 puntos, 12.5 rebounds at 2.3 blocks si Fajardo upang tanghaling lider sa tatlong nabanggit na aspeto ng laro.

Pumangalawa sa kanya sa leading scorer ang balik-PBA na si Reil Cervantes ng Kia na may average na 16.64 puntos habang nakabuntot naman sa kanya bilang rebounding leader si Abueva na may average na 12.36.

Nasa ikatlong posisyon naman para sa BPC race si Santos matapos makatipon ng kabuuang 33.0 statistical points, sinundan ni Greg Slaughter ng Barangay Ginebra na may 32.8 sps habang pumanglima naman ang dating Globalport guard at kababalik pa lamang sa San Miguel Beer na si Alex Cabagnot na siya namang tinanghal na assist leader (5.2) sa itinala nitong 31.7 sps.

Kumumpleto naman sa top 10 candidates sina Cliff Hodge ng Meralco (30.8 sps), ang second block leader (1.9 bpg) na si Japeth Aguilar ng Kings (30.4), Jayson Castro ng Talk `N Text (29.77), ang third scoring leader na si Asi Taulava ng NLEX (29.75) at ang leading steals leader, kapantay ni Chris Ross ng Beermen, na si top rookie pick Stanley Pringle (29.67).

At dahil nag-iisang rookie na nakapasok sa top 10, nangunguna para sa top rookie honors si Pringle na pumapangatlo rin sa assists leader sa kanyang average na 4.9.

Pumangalawa sa kanya si Rosser na nasa 14th spot na nakapagtala ng 25.4 sps at pangatlo naman si Rain or Shine rookie Jericho Cruz na may 19.8 sps.