Maaga ngayong linggo, may ulat na may tatlong mahistrado ng Fifth Division ng Sandiganbayan na humahawak ng plunder case laban kay Sen. Jose “Jinggoy” Estrada at humiling na bitiwan nila ang kaso ang mauunawaan nating isang malaking istorya. Ito ang unang pagkakataon na lahat ng tatlong miyembro ng Sandigan divison ang naghangad na mag-inhibit sa isang kaso. at ang kaso ay bunga ng pork barrel scam na kinasasangkutan ng ilang senador at kongresista at non-government organizations na kontrolado umano ni Janet Lim Napoles.

Agad na lumutang ang tanong: Bakit humiling ang tatlong mahistrado na matanggal sa paghawak ng kaso? Karaniwang nangyayari ito kapag sa pakiramdam ng isang mahistrado na hindi maaari siyang hindi kumiling dahil sa kanyang malapit na kaugnayan sa akusado, o dahil sa may iba pang koneksiyon ito sa kaso na maaaring magdulot ng pagdududa mula sa ibang tao.

May mga usapan na ang kanilang hakbang ay may kaugnayan sa isang umano’y hakbang ng Bureau of Internal Revenue na suriin ang kanilang Statements of assets, Liabilities, and Networth (SaLNs). Nagkaroon ng espekulasyon hinggil sa umano’y panggigipit mula sa Malacañang, gayong hindi naman ito nilinaw sa kung anong anyo o direksiyong tinahak, at kung saan magtatapos.

Noong Miyerkules, sa isang pulong kasama ang iba pang mahistrado ng Sandiganbayan, ang tatlong mahistrado – Fifth Division Chairman Roland Jurado, associate Justice alexander gesmundo, at associate Justice Ma. Theresa Dolores gomez Estoesta – ay nagpasiyang bawiin ang kanilang orihinal na request for inhibition at napagkasunduang ipagpatuloy ang paghawak sa kaso ni Estrada.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Ito ang iisang pagkakataon na walang makapagsasabi ng “all’s well that ends well”. Para sa Sandigan na pinangungunahan ni Presiding Justice amparo Cabotaje Tang, tumangging ibunyag ang kung anong napag-usapan sa kanilang pagpupulong noong Miyerkules. Sinabi lamang niya na nagpahayag ang tatlong mahistrado ng kani-kanilang dahilan kung bakit nais ng mga ito na mag-ihibit ngunit, dagdag niya, “we felt the reasons were not compelling enough and we advised them not to pursue their request”. Sabi ni Presiding Justice ang na si Justice Jurado ay may isang “more serious concern”.

Kaya nananatili ang misteryo. ano ang dahilan kung bakit nais ng tatlong respetadong mahistrado na magbitiw sa kaso? Wala nga bang panggigipit sa mga ito? Paano nito maaapektuhan ang kanilang magiging desisyon sa kaso? at paano tatanggapin ng publiko ang desisyong iyon, kung ano man iyon?