Nanawagan si Senate President Franklin Drilon sa mga opisyal ng New Bilibid Prisons (NBP) na dapat na silang maghain ng resignation para mabigyang daan naman ang mga reporma na nais ipatupad ng Department of Justice (DOJ) na siyang may sakop ng NBP.

Aniya, dapat na boluntaryo ang pagbibitiw ng mga ito sa puwesto at seyosohin din ng pamahalaan ang kampanya laban sa katiwalian at kurapsyon.

Kahapon, muling nagtungo sa NBP si DOJ Secretary Leila De Lima at nadiskubreng may mga air-condition unit at iba pang kagamitan sa mga kubol ng preso.

Nitong nakalipas na Linggo, bultu-bultong shabu, mga baril, salapi at ilang mararangyang kagamitan ang nakumpiska ng grupo ni De Lima mula sa mga bilanggong sangkot sa droga at bank robberies.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa pananaw naman ni Sen. Francis Escudero, dapat magkaroon ng pagbalasa sa lahat ng kawani ng NBP para matiyak na mapuputol na ang katiwalian.

Buong kulungan sa bansa naman ang nais ni Sen. Nancy Binay na inspeksyunin at hindi lang ang malalaking sentro ng kulungan.

Nagbabala ngayon si De Lima sa Bureau of Corrections (BuCor) at NBP na maraming matatanggal sa trabaho kapag natapos na ang imbestigasyon at napatunayang sangkot ang mga opisyal ng nasabing ahensiya sa nangyayaring anomalya sa loob ng piitan.