John-Lloyd-Bea-619x479

MAGKASAMANG dinalaw ngayong weekend nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang location ng One More Chance, ang biggest hit na pinagtambalan nila, at agad itong nagbunsod ng mga espekulasyon na magkakaroon ng sequel ang pelikulang pumatok sa takilya noong 2007.

Muling nagkasama ang dalawa sa Bellini’s restaurant sa Cubao, Quezon City, kasama ang direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina at mga writer nito na sina Vanessa Valdez at Carmi Raymundo.

Sa One More Chance, sa Bellini’s emosyonal na kinompronta ni Popoy (John Lloyd) si Basha (Bea) tungkol sa officemate niyang si Mark (Derek Ramsay), na napagkamalan ni Popoy na bagong boyfriend ni Basha ilang linggo matapos silang naghiwalay.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Simula noon ay may label na ang mga upuang ginamit nina Lloydie, Bea at Direk Cathy sa filming ng One More Chance; nakakabit doon ang kani-kanilang pangalan, batay sa mga naka-post na litrato ng kanilang reunion.

Sa Instagram, inihayag ni Carmi ang kanyang sentimiyento tungkol sa pagbabalik-tambalan ng mga bida, kasama sila nina Direk Cathy at Vanessa. Sa caption ng litratong nagkukumpara sa hitsura nila noon at ngayon, sinabi niya: “One word to describe how I felt yesterday: grateful.”

“(I am grateful] for the movie, for these people who became good friends of mine (two of them among my closest), for my job which allows me to do what I love, for the people who give us jobs, for people who give their time and money to watch the movies we make.

“After an exhausting week, it was so good to end it with something to remind me to still be thankful for how God has blessed us all these years. Thank You, Lord,” sabi pa ni Carmi.

Gayunman, hindi kinumpirma ng Star Cinema sa ABS-CBNnews.com kung ginagawa na nga ang sequel ng One More Chance, pero sinabing ihahayag sa susunod na buwan ang tungkol sa proyekto na may kaugnayan sa nasabing pelikula. - ABS-CBNnews.com