PANALO KA ● Ikaw ba ay umasenso dahil sa tulong ng technical Education and Skills Development authority (TESDA)? Marahil ikaw ang kanilang hinahanap upang gantimpalaan. Nag-aanyaya ang TESDA sa mga graduate na ikuwento ang kanilang buhay na umasenso dahil sa karunungang nilinang ng naturang ahensiya. at kapag nagustuhan nila ang iyong kuwento, bibigyan ka nila ng reward. Ayon kay Director General Joel Villanueva, nakahanda silang makinig sa mga graduate na umangat ang kanilang pamumuhay dahil sa TESDA.

inanunsyo ni Villanueva na bukas na ang ikalawang yugto sa patimpalak na tatak tESDa Video-making, kung saan ilahad ang sanaynay sa buhay, maging ito ay maikling kuwento, drama o ibang porma. Kaya kung sa palagay mo magdudulot ng inspirasyon ang iyong kuwento ng tagumpay, isumite na ang iyong dalawa o tatlong minutong video mula Enero 2 hanggang Enero 31, 2015.

***

LAGING MAY LAMAN ● Kung nangangamba kang mauubusan ng pera ang mga atM sa panahon ng Pasko, sinasayang mo lang ang iyong lakas. Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi magkukulang ang lamang pera ng mga atM upang makapaglabas o makapag-withdraw ng salapi ang mga depositor sa panahon ng Pasko mula Disyembre 24 hanggang Enero 4, 2015. Maagang maghahanda ang mga bangko sa ipaiiral na hakbang sa kanilang mga ATM upang siguruhing sapat ang supply ng cash at hindi maubos sa inaasaahang malaking bilang ng withdrawal sa mga araw na walang operasyon ang bangko dahil pista-opisyal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

***

ELTON JOHN ● Fan ako ni Elton John. Kahit theme song ng the Lion King movie ng Walt Disney, kinakanta ko kahit hindi ko alam ang lyrics kasi nga inawit ni Elton John. ikakasal na pala si Elton John sa kanyang.... boyfriend. At maraming reaksiyon tayong mababasa sa mga blog hinggil dito. May ilan na masaya para kay Elton John at David na isang advertising executive, ang iba naman kinokondena ang pag-iisang-dibdib niya sa kapwa lalaki. May nagbanalbanalan na nagsasabing hindi pinahihintulutan ng Diyos ang ganoong pagsasama. Ang iba naman naghahangad ng kapayapaan at wagas na pagmamahalan para kina Elton at David. Para sa akin, walang basagan ng trip.