Kapag ang pagkadalisay at matingkad na pagsusuyo ay kumukupas na, lumalabnaw ang pagtingin bunga ng kung anu-anong dahilan malamang na hindi ka na masaya sa relasyon mo sa iyong kasintahan. Ito na ang hudyat na kailangan mo nang kumalas sa relasyong iyon at mag-move on.

Ipagpatuloy natin ang ilang senyales sa iyong relasyon sa iyong kasintahan (o close friends) na kailangan mo nang kumalas at mag-move on:

  • Kapag mas maraming hapdi ang hatid sa iyo ng inyong relasyon kaysa ligaya. - Ayon sa mga dalubhasa, minsan binubulag tayo ng nakaraang masasayang sandali ng relasyon hanggang sa puntong kinakalimutan natin ang mapapait na pangyayaring idinulot niyon sa atin. Kung lagi na lamang kabiguan, pagkagalit at kalungkutan ang iyong nararamdaman sa inyong relasyon, at kapag mas madalas na mag-isa ka na lamang na lumuluha, siyento por siyento hindi para sa iyo ang iyong karelasyon. Ang dapat na karelasyon mo ay yaong magdudulot sa iyo ng kaligayahan na lagin mong inaasam sa tuwing kayo ay magkikita. Tulad ng inihalimbawa natin kahapon, kung ang pangunahing pinaghuhugutan mo kaligayahan ay ang inyong masasayang nakalipas, panahon na upang tapusin ang inyong relasyon at mag-move on.
  • Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

  • Kapag inaasahan ka niyang magbago. – Ang tunay na anyo ng pag-ibig ay yaong walang pasubali. Hindi dapat inaasahan ng iyong partner na magbago ka, maliban na lang kung iyon ay para sa iyong kapakanan (tulad ng paghinto sa paninigarilyo o pag-iinom ng alak, atbp.) Ngunit kapag pinipilit ka niyang magsuot ng damit na hindi mo naman gusto, o paputulan ang iyong buhok upang lalong gumanda, o magkolorete ng iyong mukha upang maging kaakit-akit, o magbawas ng timbang, dapat mo nang pag-isipan kung ipagpapatuloy mo pa ang pakikipagrelasyon sa kanya. Paano na lang kung tumanda na kayo at kumulubot ka na? Pipilitin ka pa rin ba niyang magpahiwa sa isang surgeon upang maalis ang iyong mga kulubot? Minamahal ka dapat ng iyong karelasyon maging ano pa man ang iyong hitsura ngayon at sa hinaharap.

Sundan bukas.