DAVAO CITY – Nagdeklara na rin kahapon ang Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) ng ceasefire sa lahat unit ng New People’s Army (NPA), dalawang araw matapos magdeklara ng unilateral ceasefire ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paggunita ng Pasko at Bagong Taon.

Sa isang kalatas na ipinadala sa pamamagitan ng email, sinabi ng CPP simulang ipatutupad nito ang ceasefire 12:01 kahapon ng umaga hanggang 11:59 ng gabi ng Disyembre 26; at mula 12:01 ng umaga ng Disyembre 31 hanggang 11:59 ng gabi ng Enero 1, 2015 para sa Pasko at Bagong Taon.

At para sa pagbisita ni Pope Francis, magpapatupad din ng ceasefire ang rebeldeng grupo mula 12:01 ng umaga ng Enero 15 hanggang 11:59 ng gabi ng Enero 19, 2015.

Ang ceasefire declaration ng CPP-NPA ay ipinaskil sa website nitong Philippine Revolution Web Central.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“During the aforementioned days, all units of the NPAs and people’s militia are ordered to desist from carrying out offensive operations against units and personnel of the Armed Forces of the Philippines, the Philippine National Police and the various armed paramilitary groups attached to the Government of the Philippines (GPH)”, pahayag ng CPP-NPA.

Magpapatupad ng ceasefire ang militar at suspensioyon ng operasyon nito nang isang buwan, mula Disyembre 18, 2014 hanggang hatinggabi ng Enero 19, 2015 nang walang putol para sa Pasko, Bagong Taon at Papal visit. (Alexander Lopez)