Namasyal ako sa isang mall upang alamin kung ano ang maaari kong iregalo sa aking inaanak sa kaarawan nito. Napukaw ang aking atensiyon sa isang telescope na naka-display sa isang bookstore. Napagmuni-muni ko na mas mainam na tanawin ng aking inaanak ang mga bituin at mamangha sa kagandahan ng mga iyon sa kalawakan. Nang binabalot na ng mestisang saleslady ang telescope, naisip ko ang mga tao noong panahon ni Jesus. Bakit batid nila ang kalawakan gayong wala naman silang telescope? Bakit batid nila na laksa-laksa ang butin sa kalawakan gayong kakaunti lang ang ating nakikita?

Ayon sa mga astronomer at scientist, ang Milky Way ay nagtataglay ng higit pa sa sandaang bilyong bituin - at malinggit na bahagi lamang iyon ng kalawakan kung saan isang sobrang microscopic ang ating planeta.

Kung titingnan ang kaliitan ng mundo, parang mahirap isipin na ang Manlilikha ng kalawakan ay nagpapahalaga sa sangkatauhan na mas maliit pa sa mundo rito sa mas maliit ding solar system. Ang nakamamanghang katotohanan ay pinahahalagahan tayo ng Diyos. Maraming taon bago pa man naimbento ang telescope, tinanong ni David: “Kapag isinaalang-alang ko ang Iyong kalawakan, anong mayroon ang tao kung kaya naiisip Mo pa siya?” (Awit 8:3-4). At hindi lamang pinahahalagahan tayo ng Diyos, pinahahalagahan Niya ang bawat isa sa atin na parang tayo lang ang nag-iisang itinatangi ng Kanyang atensiyon.

Sa Awit 147:3-4, sinasalungat ang kalawakan binudburan ng laksa-laksang bituin ang mga paghihirap ng kalooban at pighati ng isang kaluluwa: “Hinihilom Niya ang pusong sawi at nilulunasan ang mga sugat. Bilang Niya ang lahat ng bituin. Tinatawag Niya ang lahat ng iyon sa kanilang pangalan.”

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Totoong mahirap isipin ang kakayahang ito ng Diyos! Ang karunungan at kapangyarihan na humahawak sa buong kalawakan ay nakatutok sa bawat mananampalataya. Kahanga-hangang paghuhugutan natin ng kumpiyansa at lakas sa tuwing makararanas tayo ng kahinaan at pagdududa.