ZAMBOANGA CITY – Inilipat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Sulu ang pangangalaga sa walong-talampakan ang haba na buwaya (Crocodylus Porosus) sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center, Crocodile Farming sa Palawan.

Sinabi ni Sulu District 1 Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) Kadra D. Annil na ang buwaya ay nailigtas ng mga mangingisda ng Sitio Sibigtingi sa Barangay Simbahan Poblacion sa Pangutaran, Sulu noong Nobyembre 21, 2014. (Nonoy E. Lacson)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20