Nagdiriwang ngayon ng kanilang Pambansang Araw ang Bahrain.

Mula nang matuklasan ang petrolyo sa main island noong 1932, saklaw na ng oil production at refining ang ekonomiya ng Bahrain. Katulad ng mga kapitbansang Arab nito sa Gulf, nilayon ng Bahrain ang agricultural self-sufficiency, at nakapag-aani ngayon sila ng mahigit 75% ng mga prutas at gulay na kinukonsumo ng kanilang populasyon. Ang kanilang mga pangunahing produktong pang-agrikultura ay kinabibilangan ng dates, kamatis, sibuyas, at milon. Nakapagpo-produce din ang bansa upang punan ang kanilang pangangailangan sa gatas, manok at itlog.

Pinananatili ng Pilipinas at Bahrain ang isang matibay at magiliw na ugnayan mula nang itatag ang diplomatikong relasyon ng dalawang bansang ito noong 1978. Sa salitang pagbisita ng mga pinuno ng mga estado at iba pang matataas na opisyal, lalong tumibay ang ugnayan sa larangan ng pulitika, ekonomiya, at kalakalan. Noong Agosto 22, 2013, bumisita si Foreign Secretary Albert F. Del Rosario sa Bahrain at nakipagpulong kay Bahraini Prime Minister Khalifa bin Salman Al Khalifa. Sa naturang pagbisita ni Sec. Del Rosario, isang Memorandum of Understanding (MOU) on Bilateral Consultations ng Pilipinas at Bahrain ang nilagdaan. Layunin ng MOU ang magkaroon ng mekanismo para repasuhin ng estado ng biletaral relations ng dalawang bansa.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Bahrain sa pangunguna ng Kanyang Kamahalan, King Hamad bin Isa Al Khalifa; His Royal Highness, Crown Prince Salman bin Hamad bin Isa Al Khalifa, at Prime Minister Khalifa bin Salman Al Khalifa, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho