JAEN, Nueva Ecija - Apat na hinihinalang drug pusher ang magkakasunod na nahuli sa isang operasyon sa unang linggo ng Disyembre.

Iniulat nitong Huwebes ni Senior Supt. Crizaldo Nieves, direktor ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), ang pagdakip kina Mildred Esquivel, 32, residente ng Barangay Dampulan, at Rommel Faustino, 36, ng Bgy. Putlod, kapwa sa Jaen; Danilo Verdillo, at Anabelle Mulleno, ng Santa Rosa.

Ayon kay Nieves, naaresto ang mga suspek habang isinasagawa ang operasyon ng NEPPO laban sa anumang uri ng krimen, partikular ng mga sindikato ng ipinagbabawal na gamot.

Nasamsam mula sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber pistol, mga gamit sa pagbebenta at paggamit ng shabu at mga marked money na ginamit sa buy-bust.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20