Pormal nang isinampa ng Olongapo City Prosecutor’s Office ang kasong murder laban kay US Marine Pfc. Joseph Scott Pemberton, ang itinuturong responsable sa brutal na pagpatay sa Pinoy na si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Ayon kay Olongapo City Chief Prosecutor Emilie Delos Santos, nakitaan nila ng aggravating circumstances at probable cause kaya nararapat na iakyat ang reklamo ng pamilya Laude sa korte.

Ang kasong murder ay isang non-bailable offense na inihain sa Regional Trial Court (RTC) Branch 74 laban kay Pemberton.

Matapos ang pagsasampa ng kaso, inaabangan na ang paglalabas ng warrant of arrest ng korte laban kay Pemberton na kasalukuyang nasa custodiya ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang naging pasya ng piskal ay ikinatuwa ng pamilya Laude at ng kanilang mga abogado, kasabay ng pagpapasalamat na murder ang ikinaso laban kay Pemberton.

Dahil dito, hiniling ni Atty. Harry Roque, abogado ng pamilya Laude, na dapat ilagay sa ordinaryong kulungan si Pemberton at walang dahilan para magkaroon siya ng special detention facility.