“Kung maingat mong babasahin ang isang perpektong batas na magpapalaya sa iyo, at tinutupad mo ang sinasabi nito at hindi kinalilimutan ang iyong mga narinig, pagpapalain ka ng Diyos.” - Santiago 1:25, Mabuting Aklat

Kapag ikinakasal ang isang magkasintahan, karaniwang dahilan ang pagnanais nilang makasama ang isa’t isa habambuhay, nais nilang makipag-usap sa isa’t isa, makinig sa isa’t isa, alagaan ang isa’t isa, ang mamalagi sa isa’t isa habambuhay. Kaya mo bang ma-imagine ang isang magkasintahan na ikinakasal na hindi nag-uusap pagkatapos ng seremonya? Na naubos ang kanilang panahon nang hindi man lang nagsasalita sa isa’t isa? Matatawag bang tunay ang kasal na iyon?

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Kapag tinanggap natin si Jesus, hindi lamang tayo sumusuong sa isang relihiyosong seremonya o isang beses lang na karanasan. Pinapasok natin ang isang personal na pakikipagrelasyon, isang relasyon ng pag-ibig. At kung nais nating magkaroon ng tunay na koneksiyon sa Diyos, kailangang palagian nating kausapin Siya habambuhay, ang mag-enjoy sa Kanyang piling, ang pakinggan Siya. Hindi ito tulad ng pakikinig sa isang aktuwal na nagsasalita kapag kinakausap Niya tayo. Pinakikinggan natin Siya sa pamamagitan ng pagbabasa ng Mabuting Aklat, sa tuwing iniisip natin Siya, at ninanamnam ang Salita ng Diyos. Sa Mabuting Aklat, makahuhugot tayo ng lakas, at maaasahan sa paggawa natin ng mga desisyon. Nagiging mas masaya tayo, at naghahangad tayong makinig pa.

Kung ikinasal kay kay Ginoong Dela Cruz, tatawagin mo ang iyong sarili bilang Ginang Dela Cruz. Kapag tinatawag mong Kristiyano ang iyong sarili, ganoon din ang ideya: Nangangahulugan iyon na konektado ka kay Kristo. At nakikipag-ugnayan ka kay Kristo araw-araw sa pamamagitan ng pagbabasa ng Mabuting Aklat at pananalangin. Ito ang mga pamamaraan ng totohanang pananatiling konektado sa Kanya, hindi lamang sa seremonya. Mananatili tayong konektado sa Diyos sa pananalangin, sa pakikinig sa pamamagitan ng pagbabasa ng Mabuting Aklat.