SYDNEY (AFP) – Nag-iiyakan ang mga empleyado sa iba’t ibang tanggapan sa Sydney habang tahimik na nag-alay kahapon ng mga bulaklak ang kababaihang Muslim na nakasuot ng hijab sa lugar ng hostage crisis, habang patuloy na nagluluksa ang gulat na ring mga residente ng dati ay payapa at masiglang siyudad.

Hindi magkandaugaga ang mga tindahan ng bulaklak sa dagsa ng demand habang nagmistula nang dagat ng mga bouquet ang impromptu memorial sa Martin Place, na rito nangyari ang 16 na oras na hostage drama nitong Lunes.

Emosyonal pa rin ang mga Australian sa kinahinatnan ng balitang pinasok ng isang armadong lalaki ang sikat na Lindt Chocolate Café at binihag ang mga nasa loob ng establisimyento.

Ang suspek ay ang Iranian-born Islamist na si Man Haron Monis—na may patung-patong na kaso at nakalalaya lang dahil sa piyansa—na namatay din, kasama ng dalawa pa sa 17 niyang binihag. Apat na katao pa ang nasugatan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente