GERONA, Tarlac— Nabundol ng isang rumaragasang van ang isang senior citizen sa kalsada ng Barangay Abagon, Gerona sa Tarlac noong Biyernes ng umaga.

Ang biktimang si Salvador Mendoza, 64, ng Bgy. Poblacion 2, Pura sa Tarlac ay idineklarang patay sa Gerona Hospital sanhi ng matinding pagkakasalpok ng ulo.

Ayon sa traffic investigator na si PO2 Kristoffer Zulueta, ang van ay may plate number na RHR- 538 na minamaneho ni Eric Herrera, 20, ng Moronquillo, San Rafael sa Bulacan na kusa namang sumuko sa Paniqui Police Station at inilipat sa police station ng Gerona sa Tarlac.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race