Ni MAR SUPNAD

VIGAN CITY- Ibinunyag ni dating Ilocos Sur governor at political kingpin Luis “Chavit” Singson na tatakbo siya bilang mayor ng Narvacan, ang bayan na kontrolado ng mga Zaragoza sa loob ng dalawang dekada.

Kapag itinuloy ni Chavit ang kanyang planong tumakbo bilang mayor, hindi na magiging kontrolado ng mga Zaragoza ang kapangyarihan sa bayang ito, dahil si Chavit ay isa ring pader sa larangan ng politika, ayon sa political observers.

“Tatakbo akong Mayor ng Narvacan upang maputol na ang political dynasty ni Edgar Zaragoza at upang itigil na niya ang pagpapakalat ng mga balita na kaya niya kaming talunin sa gubernatorial post,” ayon kay Singson.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Zaragoza, incumbent administrator ng National Tobacco Administration , at matagal na naging mayor sa Narvacan, ay matagal nang ibinabalitang tatakbong gobernador upang mapatalsik ang mga Singson.

Minaliit lamang ni Singson si Zaragoza, sinabing “maski tabunan pa nila ng pera, ‘di mananalo si Edgar sa kapitolyo.”

Ang anak ni Singson na si Ryan ang kasalukuyang gobernador habang ang isa pa niyang anak na si Ronald ay congressman sa Unang Distrito.

Ang anak ni Zaragoza na si Zuriel ang kasalukuyang mayor ng Narvacan habang ang kanyang ina na si Charito ay naging mayor din ng nasabing bayan.