Ni MIKE CRISMUNDO

CAMP BANCASI, Butuan City— Iniutos ng higher area command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Disyembre 14, 2014 sa lahat ng field unit commander na paigtingin ang peace and security operations upang masupil ang sopresang pag-atake ng New People’s Army (NPA) habang papalapit ang paggunita sa anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Inutusan din ng command and tactical operation group ng Northeastern and Northern Mindanao 4th Infantry (Diamond) Division (4th ID) sa pamumuno ni Maj. Gen. Oscar Lactao ang field unit commanders na palawakin ang security assistance sa lahat ng mga pangunahing installations ng gobyerno at ng pribadong sektor, lalo na ang communications, power at water system facilities para sa defense preparation upang maiwasan ang hindi inaasahang insidente.

Binigyaan din ng direktiba ang combat maneuvering battalion commanders ng 401st Infantry Brigade sa mga lalawigan ng Surigao at sa mga lungsod nito, ang 402nd Infantry Brigade sa mga lalawigan ng Agusan, 403rd Infantry Brigade sa Bukidnon at mga lalawigan sa Misamis at operational control unit (Opcon) commanders, na magsagawa ng round-the-clock peace and security patrol sa kanilang mga kinauukulang area of responsibility (AOR).

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Hindi isinasantabi ng 4th ID, ang pinakamalaking dibisyon ng AFP sa Mindanao, ang isang intense tactical offense ng NPA para markahan ang ika-45 anibersaryo ng CPP sa Disyembre 26.