Sino o ano si/ang Talimusak? Noong ako’y bata pa, may isang karakter sa komiks na ang pangalan ay “Talimusak”. Natatandaan ko rin ang iba pang mga karakter sa komiks na likha naman ng kilalang manunulat ng komiks na si Francisco V. Coching na tinanghal na national artist. Of course, nababasa ko noon sina Kenkoy, Rosing, Mang Sebyo, Ipe at iba pa. Hindi ko malaman o matandaan kung ang Talimusak na karakter ay sa komiks page ng Liwayway ko nababasa noon. Hindi ko rin batid kung ang talimusak ay isang uri ng isda na kapamilya ng dilis, tawilis, sardinas, gurami, liwalo.

Tinext ko si ex-Paranaque City Rep. Roilo Golez na nagtapos sa US Naval Academy sa US. Siya ang illustrator ng pahayagan ng academy. Champion din sa boxing competition noon. Ang sabi niya, kung hindi siya natuloy na kadete sa Naval Academy, ang talagang pangarap niya ay maging isang sikat na illustrator/writer tulad ni Coching.

Sinabi niya na ang Talimusak ay isang uri ng isda. Ginawa itong isang karakter sa komiks, pero hindi niya matandaan kung sino ang illustrator/writer. Anyway, binanggit niya na bukod kay Coching, meron pang mga sikat na komiks illustrator,writer noon gaya nina Tony Velazquez, Larry Alcala (ng Kalabog en Bosyo) at Asyong Aksaya.

Patuloy sa pagbagsak ang preference at approval ratings ni VP Binay samantalang patuloy naman sa pagsikad ang trust at approval ratings ni Sen. Grace Poe. Kung ako si VP, liligawan ko si Sen Grace para makatambal sa 2016 presidential elections. Ang magiging tambalan pag pumayag si Grace Poe, ay BIN-POE, parang pamunas ng mukha (as in bimpo)!

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Talaga yatang matigas at may ipinagmamalaki si PNP Chief Director General Alan La Madrid Purisima. Habang sinusulat ko ito, tinanggihan umano ni Chief Alan ang isinisilbing suspension order ng Ombudsman sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government. Wala raw awtoridad ang DILG na isilbi ang suspensiyon niya dahil ang PNP ay under ng National Police Commission! Ano ba ito Mr. President Noynoy Aquino, bakit ayaw sumunod sa kautusan ang “bata” mong si Purisima?