GENERAL SANTOS CITY- Ipinamalas ni Efren “Bata” Reyes ang maningning na porma sa pagdispatsa kay journeyman Benjie Guevarra, 9-6, habang kinapalooban ng kontrobersiya ang isa pang semifinals match sa pagitan ni world No. 7 Carlo Biado at Demosthenes Pulpul sa MP (Manny Pacquiao) Cup Philippine Open 10-Ball billiards championship noong Biyernes ng gabi.

Isinulong ni Reyes, ang living legend ng Philippine billiards, ang fast kill kontra sa kanyang overmatched opponent nang isalansan nito ang “10” mula sa combination shot sa 15th match upang tumuntong sa finals.

Sa kabilang dako, masasabing sorry loss ito kay Biado laban sa ‘di gaanong kilala na si Pulpul, nagwagi via technicality matapos na pumalya si Biado na ideklara ang kanyang sargo sa huling bola sa 17th at final game. Ipinasok ni Biado ang obvious “10” ball shot sa kaliwang bahagi ng pocket. Naging excited si Biado mula sa “gimme” shot ngunit nakaligtaan nito kung saan niya ito ihuhulog ang huling bola.

Ang rules infraction ang nagbigay kay Pulpul, tubong Cagayan de Oro, upang maipasok nito ang bola mula sa ball-on-hand- shot. Ito ang isa na namang half victory kay Pulpul, nagwagi rin sa kaparehong rules infraction sa round-of-32 laban kay Roberto Gomez.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasalukuyan naman naglalaro pa kahapon sina Reyes at Pulpul para sa race-to-11 finale. Lamang si Pulpul, 2-0, dakong alas-7:00 kagabi.