ISULAN, Sultan Kudarat–- Dalawang hinihinalang kasapi ng grupong “Liquidation Unit” ng BIFF ang napatay sa engkuwentro dakong 2:25 ng hapon nitong Disyember 10, 2014 sa Barangay Maitumaig, Datu Unsay sa Maguindanao.

Ayon kay 1Lt. Jethro Agbing, tagapagsalita ng 45th Infantry Batallion ng Army, ang dalawang suspek na lulan ng isang kulay pulang Honda XRM na motorsiklo ay bigla na lamang sumalakay at pinaputukan ang noon ay nagpapatrulyang kinatawan na siya ring gumanti.

Matapos ang pakikipagpalitan ng putukan, tumambad ang dalawang bangkay mula sa mga armado na ang isa ay nakilala sa alyas Jonex habang ang isa ay kinikilala pa.

Nakuha sa lugar ang isang kalibre .45 na pistola, mga basyo ng bala, isang granada. - Leo P. Diaz
Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod