Magtitipon ang 10-lider ng ASEAN Member States (AMS) kabilang si Pangulong Benigno S. Aquino III sa Busan na magmamarka sa ASEAN-Republic of Korea (ROK) 25th Anniversary Commemorative Summit sa Disyembre 11 at 12.
Ang pangulong Aquino at ibang lider ng AMS ay maghahatid ng kanilang mensahe sa kani-kanilang bansa sa temang “Building Trust, Bringing Happiness,” na sumasalamin sa pangako ng ROK na palakasin ang relasyon sa ASEAN sa pamamagitan ng pagtitiwala na magdulot ng kasiyahan sa mga mamamayan ng ASEAN at ROK.
Makakasama ng Pangulong Aquino sa summit sina Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario at ibang miyembro ng kanyang gabiineta, ASEAN-Philippines Director-General Luis T. Cruz at opisyal buhat sa executive departments.
Nakikipag-ugnayan ang ROK sa ASEAN sa mga larangan ng kooperasyon sa mutual interest kabilang ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), labor and migration, trade and investment, development cooperation at people-to-people exchange.