INAMIN ni Jake Cuenca na sumama ang loob niya sa kanyang pagkatalo bilang best drama actor sa katatapos na Star Awards for TV. Pero ang bawi agad ng aktor, kahit papaano ay happy na rin siya dahil ang co-actor niya sa seryeng Ikaw Lamang na si John Estrada naman ang nanalo.
“Sobrang nag-expect ako so, I was really disappointed kaya I will never expect again. Medyo masakit pero move on na lang tayo. Tapos na ‘yun at dapat maging masaya na rin tayo dahil si John pa rin naman ang nanalo,” sey ni Jake nang makausap namin sa presscon ng Mulat na nakatakdang ipapalabas sa December 17 to 24 sa SM Megamall and Glorietta 4 cinemas bilang isa sa mga entry sa Metro Filmfest New Wave Section.
Bida si Jake sa Mulat kasama sina Ryan Eigenman, Loren Burgos, Loan Goodchild, Rolando Inocencio, Jen Rosales sa direksiyon ni Diane Ventura na nagwaging Best Director Global sa International Manhattan (FFM).
Hindi man pinalad sa PMPC Star Awards, isang international best actor award naman ang ibinigay sa kanya ng pelikulang Mulat. Si Jake kasi tinanghal ng best actor sa isang international filmfest sa Manhattan at personal niyang tinanggap ang nasabing karangalan.
“I was really so surprised when my name was called. ‘Di ko alam na ako pala ang nanalo. I was there to take up acting. Nataon lang na nandu’n ako when the filmfest was held, so big bonus for me ang pagkapanalo ko,” seryosong lahad ng aktor.
Siyempre, isa sa mga pinasalamatan ni Jake ang kanyang magandang lady director.
“Sa totoo lang, alam kong nahirapan din naman si Direk Diane sa akin kasi we were shooting the movie at sabay din ng pagka-busy ko sa taping ng Ikaw Lamang. They worked around my schedule,” sey pa ng alaga ni Neil de Guia.
Kumusta naman ang working relationship niya sa kanyang director?
“You know, after our screening in New York, there was a Q&A and the viewers really liked it, especially the foreigners. They couldn’t believe it was filmed for only a few days. Ang pagkakagawa dito ni Direk Diane, sigurado, eh, hindi alanganin, malinis, pulido. When you watch it, parang mainstream movie. I’m confident that after this is shown, a big movie company will get Direk Diane to make movies for them,” sagot ni Jake.
Tinanong din namin si Jake tungkol sa mahigit isang buwan na acting classes niya sa US.
“It gave me a deeper understanding of the craft of acting. One month lang ako roon and it went so fast. Parang back to basics ang nangyari sa akin kasi kinakabahan ako uli. More than film and TV acting, they respect acting in theatre much more, so I really want to try doing theatre this year kasi iba talaga ang response ng live audience,” sey niya.
Hinding hindi raw niya makakalimutan ang naging karanasan niya sa pag-aaral sa US.
“The experience is very inspirational for me and also a confirmation na tama ‘yung personal thoughts and direction ko about acting. And I’m very thankful kasi pagbalik ko rito, ABS already have a new assignment for me, Pasion de Amor, with Ellen Adarna, Arci Muñoz and Coleen Garcia,” sey pa ng isa sa mga ipinagmamalaking magaling na aktor ng Kapamilya Network.
Ang reaksiyon niya sa bashers niya sa social media nang rumampa siya sa kontrobersiyal na fashion show ng Bench?
“Honestly, for me, ‘yung bashing sa Internet might be something bad but at the arena itself, it ended in a good way as I got the biggest ovation in my life. Grabe ang sigawan at palakpakan paglabas ko.
“After that, I will never appear again in my underwear. Last na ‘yun. And you can bash me all you want on the net as long as you spell my name correctly,” pailing-iling na sabi ng drama actor.
Hindi rin namin pinalampas maitanong kay Jake ang tungkol sa break-up nila ng kasintahang Aussie model na si Chanel Olive, na ayon sa kanya ay may mga inaayos lang silang at malamang na maging sila ulit sa mga darating na araw.
“I admit naman I’m not the perfect guy when it comes to relationships. Mahirap, kasi I was away for more than a month. But we’re still friends and I’m hoping she’ll give me another chance,” sey ng aktor.