MARAMI tayong prioridad sa trabaho kung kaya nalilimutan natin ang tunay na prioridad sa ating buhay. Madali tayong makalimot sapagkat nakasubsob tayo sa paghahanapbuhay at gumawa ng mga paraan upang kumita ng mas malaki. At wala nang katapusang cycle iyon. Kapag nakalublob ka na sa kumunoy na ito, araw-araw umuuwing pagod, humahakbang ang mga taon, at isang umaga mabubulaga ka na lang na tumanda ka na pala tayo at wala kang maipagmamalaki kundi ang iyong career.

Kaya narito ang isang listahan na dapat mong pagtuunan ng higit na atensiyon. Ang mga bagay na ito ang makapagbibigay sa iyo ng higit na kaligayahan sa buhay at personal na kasiyahan kaysa iyong trabaho:

  • Bonding ng pamilya. - Maituturing ka nang napakasuwerte kung may pamilya kang nagmamahal at sumusuporta sa iyo. Minsan, iniisip natin na parang wala nang panahon ang mga negosyante para sa kanilang pamilya. Kasi nga abala sila sa paghahanapbuhay. Ngunit hindi naman kailangang maging ganoon. Kung ikaw ang abala sa paghahanapbuhay, gumawa ka ng panahon para sa iyong pamilya. Mahalagang ginagampanan mo ang iyong tungkilin sa iyong pamilya. Totoong mahirap balansehin ang trabaho at ang partisipasyon sa mga aktibidad ng pamilya, ngunit kapag mas madalas mong nakakapiling ang iyong mga mahal sa buhay, lalong tumitibay ang inyong samahan.
  • National

    50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

  • Ang mailap na pag-ibig. - Mahirap makatagpo ng magiging katuwang sa buhay. At kung nagtatrabaho ka ng walong oras sa isang araw (na kung minsan mas mahaba pa), maaaring madali mong maisip, “Hindi ko kailangan ang isang partner sa buhay”. Maaari ngang masaya ang maging single, ngunit mahalaga rin na bigyan mo ng pagkakataon ang pag-ibig sa iyong buhay, makatagpo ng mamahalin at magmamahal sa iyo upang magkaroon ka ng buo at panatag na pamumuhay. Ang makatagpo ng perpektong kasama na panghabambuhay ay nangangailangan ng masidhing pagsisikap, ng panahon, at ng pagtanggap ng mga kapintasan. Ngunit kapag nasa relasyon ka na, magkakaroon ka ng isa pang haligi ng suporta, na laging kaagapay mo sa hirap at ginhawa.

Sundan bukas