Ni KRIS BAYOS

Magtataas na ng pasahe ang Philippine National Railways (PNR) sa Metro South Commuter (MSC) line nito sa Enero ng susunod na taon upang makabawi sa multi-bilyong pisong pagkalugi sa operasyon nito.

Inaprubahan noong Miyerkules ng PNR Board ang pagtataas sa minimum fare na P15 mula sa kasalukuyang P10 at maximum fare sa P60 mula sa P45 para sa MSC line, na bumibiyahe araw-araw sa Tutuban sa Maynila hanggang sa Calamba, Laguna.

Ayon kay PNR General Manager, Joseph Allan Dilay, sisimulang ipatutupad ang taas-pasahe sa Enero 5, 2015.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Ang huling pagkakataon na nagpatupad ng fare increase ang PNR ay 20 taon na ang nakararaan. At dahil sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa operasyon, tumatakbo ang PNR kahit lugi,” paliwanag ni Dilay sa fare adjustment.

Sinabi ng opisyal na nalulugi ang PNR mula P3 milyon hanggang P5 milyon kada buwan.

“The government do not subsidize for the PNR’s lost revenues. We are only able to compensate for the losses through our non-rail revenue from leasing out our idle properties,” paliwanag ni Dilay.

Umaabot sa 70,000 ang karaniwang sumasakay sa PNR-MSC line kada araw subalit posible itong umabot sa 120,000 dahil sa “leakage” o mga “istokwa” na hindi nagbabayad ng pasahe.

Ang mga nahuhuling istokwa ay pinagbabayad lamang ng maximum fare ng train officials.