Iniulat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang boluntaryong pagbawi sa isang batch ng Hepatitis A vaccine dahil sa isyu ng kalidad nito.
Batay sa FDA Advisory 2014-082, boluntaryong binawi ng Vizcarra Pharmaceutical ang batch ng Hepatitis A vaccine (inactivated, virosome) 24 IU/0.5 mL solution para sa IM injection, na may brand name na Epaxal at registration number BR-426, matapos matukoy ng product manufacturer na Crucell Switzerland AG na nakitaan ito ng iron oxide particles.
Apektado ng recall ang lot numbers 3000060.08, 3000144.03, 3000144.06, 3000502.02, 3000734.02, at 3000734.04.
Ang bakuna ay ginagamit para sa mga batang isang taong gulang pataas.