Pormal nang sinampahan ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang magasawang contributor sa political campaign ni Vice President Jejomar Binay.

Partikular na kinasuhan ang magasawang sina James Lee at Ann Loraine Tiu dahil sa paglabag sa Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code.

Ayon sa BIR, tinangka ni James Tiu na umiwas sa pagbabayad ng tamang buwis dahil hindi ito nagbigay ng tamang impormasyon sa kanyang income tax return para sa 2010 hanggang 2011.

Habang si Anne Tiu ay nabigong maghain ng ITR mula 2010 hanggang 2012.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aabot sa mahigit P39 milyon ang kabuuang tax liability ng mag-asawang Tiu.

Nabatid na kapwa nag-donate ng tig-P7.5 milyon sina James at Anne Tiu para sa kampanya ni Binay noong 2010 elections, at tig-P2.5 milyon para sa kanyang political party na PDP laban.

Samantala, walang tukoy na source of income ang mag-asawang James at Ann Loraine Tiu, campaign contributor ni Vice President Jejomar Binay noong 2010 elections.

Ayon sa BIR, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na malaki ang underdeclaration na ginawa ng magasawa kaugnay sa kanilang kita para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Nagtataka rin ang BIR kung paanong nakapag-invest ng milyun-milyong piso at nakabili pa ng mamahaling sasakyan ang mag-asawa nang wala namang tukoy na source of income.

Ayon sa BIR, nakapagbigay ng downpayment si James Tiu para sa isang BMW car na nagkakahalaga ng P5.85 million noong 2010 at nakapagbenta ng shares of stocks na nagkakahalaga ng P259,500.

Noong 2011, nakakuha si James Tiu ng loan na P3.34 milyon mula sa Philippine Business Bank at nagpasok ng additional investment na nagkakahalaga ng P7.5-milyon sa Greenergy Holdings Incorporated.