Naghahanda ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) ng isang espesyal na regalo para kay Pope Francis na bibisita sa bansa sa susunod na buwan.

Ayon kay NBP chaplain, Msgr. Bobby Olaguer, naghahanda ang mga bilanggo sa maximum detention cell ng isang souvenir item bilang token of remembrance para sa Papa, na posibleng isang painting o isang sculpture, kahit na wala sa opisyal na itinerary ng Papa ang pagbisita sa Bilibid.

Sa isang panayam sa Radio Veritas, umaasa si Olaguer na bibisitahin ni Pope Francis ang NBP “for the prisoners to be able to send personally their gift for the Holy Father.”

Batay sa records, mahigit 14,000 ang nakapiit sa maximum security cell ng Bilibid.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinegundahan ni Fr. Bobby dela Cruz, ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila, ang sinabi ni Olaguer na umaasa ang mga bilanggo na dadalawin sila ng Papa.

Matatandaang nitong Setyembre 26 ay lumiham ang mga bilanggo ng NBP kay Pope Francis na bisitahin sila sa pamamagitan ni Papal Nuncio Archbishop Guiseppe Pinto. (Christina I. Hermoso)