Minaliit ng Palasyo ang banta ng napatalsik na si Laguna Gov. ER Ejercito na gusto niyang makitang nakakulong si Pangulong Benigno S. Aquino III at magbabalik siya sa pulitika sa 2016.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi nangangamba ang Malacañang sa ano mang banta dahil ipinaiiral ng administrasyong Aquino ang Saligang Batas.

Iginiit ni Coloma na ang pagpapatalsik kay Ejercito sa puwesto ay desisyon ng Commission on Elections (Comelec), isang independent constitutional body at kinatigan pa ng Korte Suprema.

“Sa parte ng Pangulo at ng mga miyembro ng gabinete, kami ay naglilingkod ayon sa pagtitiwala ng ating mga mamamayan at sinusunod ang Saligang Batas at lahat ng mga batas ng bansa. Kaya hindi naman kami nangangamba sa anumang banta na katulad ng kanyang sinabi dahil ginagawa namin ang aming tungkulin nang naaayon sa batas at nang buong katapatan sa madlang Pilipino,” sabi ni Coloma.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa panayam kay Ejercito sa Second Ginto ng Palad for Public Service awarding ceremonies ng Movie Writers’ Welfare Foundation noong Nobyembre 29, ibinulalas ng napatalsik na gobernador ang kanyang himutok laban kay Pangulong Aquino na aniya’y pinag-iinitan ang kanilang pamilya.

Matatandaang tinanggal sa puwesto si Ejercito dahil sa overspending sa kampanya nito noong 2013.