Hindi maghahain ng leave of absence si Acting Health Secretary Janette Garin.

Ito’y sa gitna ng panawagan ng mga testigo sa pork barrel scam na magbakasyon muna siya sa puwesto.

Una rito, nanawagan sina Rhodora Mendoza at Victor Cacal, dating mga empleyado ng Nabcor, na dapat na maghain ng leave of absence si Garin habang patuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso.

Ayon naman kay Garin, nagbigay na rin siya ng kanyang paliwanag sa Department of Justice (DoJ) at NBI na nagsasabing wala itong kinalaman sa akukasyon na ibinabato sa kanya ng dating mga empleyado ng National Agri-Business Corporation (Nabcor).

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Iginiit naman ni Atty. Levito Baligod, abogado nina Mendoza at Cacal, na sa ngalan ng delicadeza ay dapat itong gawin ni Garin.

Inihalimbawa pa nito ang pagbabakasyon ni Health Secretary Enrique Ona na iniimbestigahan din ng NBI sa isyu ng bakuna.

Si Garin ay iniimbestigahan dahil sa umano’y pagtanggap ng P1 milyon mula sa Ginintuang Masaganang Ani (GMA) program bilang pondo sa kanyang kampanya noong 2007 nang siya ay kongresista pa sa Iloilo.