BOSTON (Reuters) – Nagbabala ang Federal Bureau of Investigation sa mga negosyo sa US na gumagamit ang mga hacker ng malicious software upang maglunsad ng isang mapinsalang cyberattack sa United States, kasunod ng pagsira noong nakaraang linggo sa Sony Pictures Entertainment.

Sinabi ng cybersecurity experts na ang malicious software na inilarawan sa alerto ay lumalabas na katulad ng nakaapekto sa Sony, na nagmamarka ng unang malaking destructive cyberattack laban sa isang kumpanya sa lupain ng US. Ang mga ganitong pag-atake ay inilunsad na sa nakalipas sa Asia at Middle East, ngunit walang iniulat sa United States. Hindi binanggit sa ulat ng FBI kung ilang kumpanya ang nabiktima ng mga mapinsalang pag-atake.

“I believe the coordinated cyberattack with destructive payloads against a corporation in the U.S. represents a watershed event,” sabi ni Tom Kellermann, chief cybersecurity officer sa security software maker na Trend Micro Inc. “Geopolitics now serve as harbingers for destructive cyberattacks.”

Ayon sa ulat, ino-override ng malware ang lahat ng data sa hard drive ng mga computer, kabilang na ang master boot record, na pumipigil sa kanila sa pagreboot. “The overwriting of the data files will make it extremely difficult and costly, if not impossible, to recover the data using standard forensic methods,” saad sa ulat.
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!