DAVAO CITY – Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Davao Oriental ang boluntaryong sumuko sa awtoridad, ayon sa Philippine Army.

Nobyembre 29, 2014 anng sumuko ang apat na miyembro ng kilusan kay Lupon Mayor Domingo Lim, anang report ng Army.

Ang apat na sumuko ay kinilalang sina Jayson Mabaslay, alyas Beboy; Richard Mabaslay, alyas Cocoy; Jennifer Mabaslay, alyas Jena; at Jocel Tejano, alyas Jenny.

Sinabi ng Army na si Jayson Mabaslay ang vice team leader ng isang grupo ng NPA sa lugar, habang medic naman si Tejano.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauna rito, sinabi ng Army na dalawa pang rebelde ang sumuko sa mga operatiba ng 66th Infantry Battalion sa Sitio Yauri, Barangay Calapagan sa Lupon.

Kinilala ang mga sumuko na sina Jomar Mabaslay, alyas Gilbert; at Rene Boy Nacion, alyas Totoy.

Walang armas na isinuko ang anim na rebelde. (Elena L. Aben)