CAIRO (Reuters)— Ibinasura ng isang Egyptian court ang kaso nito laban kay dating President Hosni Mubarak sa pagpatay sa mga nag-poprotetsa sa pag-aaklas noong 2011 na nagwakas sa kanyang 30-taong pamumuno at naging simbolo ng pag-asa para sa isang bagong kabanata ng political openness at accountability.

Si Mubarak, 86, ay hinatulan ng habambuhay sa kulungan noong 2012 sa pakikipagsabwatan para patayin ang 239 na demonstrador, na naghasik ng kaguluhan at lumikha ng security vacuum sa 18-araw na rebolusyon, ngunit iniutos ng appeals court ang retrial.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3