CARACAS, Venezuela (AP) - Sumasailalim sa masinsinang imbestigasyon ang isa sa mga piitan sa Venezuela kaugnay ng dumadaming pagkamatay sa isang bilangguang overcrowded.

Matapos matanggap ang mga ulat mula sa gobyerno at sa pamilya ng mga pasyente, naging malinaw nitong Biyernes ang ugat ng trahedya sa kulungan ng David Viloria sa kanlurang Venezuela nang kumpirmahin ng awtoridad na 35 bilanggo ang namatay at 20 sa 100 may sakit din ang comatose.

Ayon sa gobyerno, nagsimula ang gulo sa kulungan noong Lunes nang mag-hunger strike ang mga presyo para sa mas maayos nilang kondisyon sa piitan. Isang grupo ng mga bayolenteng bilanggo ang sumalakay sa pagamutan ng piitan at uminom ng alcohol na may kahalong gamot sa diabetes, epilepsy, at high blood pressure, sabi ng mga opisyal.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race