LALONG tumitindi ang challenges sa The Amazing Race Philippines 2 lalo pa’t papalapit na ang anim na natitirang racers sa finish line. Noong nakaraang Sabado, napaluha ang televiewers habang pinapanood ang mag-amang AJ at Jody Saliba ng Olongapo.

Sa final challenge ng Leg 7 na kailangan nilang magkabit ng mga duyan sa mga puno ng niyog nang hindi nahuhulog, ginawa ni Daddy AJ ang lahat ng kanyang makakaya para mairaos ang karera. Nalaglag ang mag-ama sa ikaanim na puwesto kahit nanguna sa ikaanim na leg dahil napagdesisyunan ng apat sa lima pang teams na sila ang i-yield sa leg na ito.

Paulit-ulit si Daddy AJ para magawa ang challenge, pero bigo pa rin siya. Ang masakit pa lalo, naunahan na sila ng Team Nerds nina Ed Manguan at Vincent Yu na nag-quit sa task at nag-decide na lamang na magpa-penalty ng 90 minutes para makuha ang clue. Napilayan si AJ nang mahulog mula sa puno ng niyog. Sa huli, nakumbinsi rin ni Jody ang kanyang tatay na tanggapin na ang kanilang pagkatalo dahil ang mahalaga ay lumaban sila hanggang sa huli.

Habang hinihintay ang sentensiya ni Race Master Derek Ramsay, maluha-luha sina AJ at Jody sa sinapit nila. Maging si Derek ay hindi napigilang mapaiyak sa kahanga-hangang determinasyon, katatagan at dedikasyon sa isa’t isa ng mag-ama. Pati netizens na nanonood sa kani-kanilang bahay ay naging emosyonal sa pagpapahayag ng suporta sa Team Mag-ama. Ang ‘di inaasahang twist, inihayag ni Derek na pasok pa ang dalawa sa karera dahil non-eliminating round ang nangyaring leg.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Samantala, nanguna sa natirang leg ang Team Chefs nina Eji Estillore at Roch Hernandez na nagkamit ng P200,000 cash prize mula sa Rexona. Second ang dating couple na sina Matthew Edwards at Phoebe Walker at third ang magkapatid na Jet at Yna Cruz, pang-apat ang mga Mr. Pogi na sina Kelvin Engles at JP Duray, at kasunod ang Team Nerds at Team Mag-ama.

Tiyak na lalo pang titindi ang mga eksena sa The Amazing Race Philippines lalo pa’t huling dalawang linggo na ng karera. Wala nang non-elimination legs kaya siguradong mas magiging competitive at agresibo ang labanan sa natitirang anim na racers.

Napanood ang Amazing Race Philippines tuwing 9:00, gabi-gabi sa TV5.