Nobyembre 29, 1910 nang matanggap ni Ernest E. Sirrine ang patent para sa unang traffic signal system sa Amerika. Binuksan ang illuminated sign sa pagitan ng mga salitang “stop” at “proceed” at gumamit ng pula at berdeng ilaw.
Disyembre 10, 1868 nang itinayo ang unang operational traffic system sa mundo sa harap ng British Houses of Parliament sa London, sa pamamagitan ng railway engineer na si JP Knight.
Noong unang panahon, ang mga traffic signal ay gumagamit ng lighting schemes, armatures, at gas lamps. Bago pa man ang imbensiyon ni Sirrine, mayroon nang ilang traffic signal system sa ibang mga lungsod sa Amerika at United Kingdom.
Makalipas ang ilang taon, mahigit sa 60 patent para sa traffic control systems ang ipinagkaloob ng US Patent Office. Taong 1917 nang gawin ni William Ghiglieri ang four-way automatic traffic control system.