Isa pang batch ng 1,263 kabataan mula sa Las Piñas na nagtapos sa Dr. Filemon C. Aguilar Information Technology Training Institute (DFCAITTI) ang pinarangalan kamakailan at hinikayat na kumuha ng national certificate (NC) assessment test para sa mas magandang oportunidad sa trabaho.

Binati ni Mayor Vergel “Nene” Aguilar ang IT scholars ngayong taon na kinabibilangan ng 747 na nakumpleto ang Computer Programming and Hardware Servicing course; at 516 na nakapagtapos ng Visual Graphics and 3D Animation.

Binigyan din niya ng katiyakan ng suporta ang bagong nagsipagtapos, kabilang ang paggamit ng school campus para sa mga evaluation test na kakailanganin upang makakuha ng certificate na katumbas ng trade testing, na karaniwan ay nagmumula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) main center o sa mga kinikilalang eskuwelahan, ngunit may mas mataas na singil.

Ang nagsipagtapos sa Visual Graphics and 3D Animation na makakapasa sa assessment test ay mabibigyan ng NC III, habang ang Computer Hardware Servicing ay makakukuha naman ng NC II.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inilunsad noong 2008, ang DFCAITTI ay priority program ni Aguilar upang makapag-aral ang nagsipagtapos sa mga pampublikong paaralan sa lungsod na hindi nakapasok sa DFCAMCLP para sa four-year business at accountancy courses.

Ang mga nakapagtapos ng IT courses ay nakakuha ng trabaho sa Public Employment Service Office, habang ang iba ay nagtayo ng sariling computer shop o negosyo sa visual arts.

Bukod sa libreng matrikula, sinabi ni Aguilar na may libreng sakay din ang mga estudyante patungo sa eskuwelahan.