Waring determinado ang Commission on Elections na magdaos ng isang bidding par asa isang P1.2 bilyong kontrata upang kumpunihini ang may 80,000 Precinct Counting Optical Scan (PCOS) voting machine na ginamit sa dalawang nakaraang eleksiyon, upang ihanda ang mga ito para sa halalan sa 2016. Sinabi rin ng ahensiya na kakailanganin nito ang karagdagang 30,000 makina pa para sa lumobong populasyon ng mga botante. Mangangailangan uli iyon ng malaking salapi.

May kumikilos upang i-disqualify ang orihinal na PCOS supplier, ang Smartmatic, bunga ng ilang dahilan, kabilang ang pagiging nag-iisang reseller umano at hindi aktuwal na may-ari, ng mga automated voting technology na ginamit sa mga eleksiyon. Pormal na hiniling ng Citizens for Clean and Credible Elections (C3E) na tanggalin na ang Smartmatic sa lahat ng proyektong may kaugnayan sa eleksiyon.

Ang isyu ng mga kuwalipikasyon ng Smartmatic bilang bidder ay bukod sa mga paratang na minanipula nito ang 2013 midterm polls. Sa dalawang manu-manong pagbibilang ng kinuwestiyong electronic results, nagkaroon ng pagkakaiba na maaaring makaapekto sa pangkalahatang nationwide results, ayon sa AES Watch, isa pang citizen group.

Sinabi kay Sen. Aquilino “Koko” Pimentel, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga ng umano’y overpriced na Makati building, na nagtapos sana siyang mas mataas sa ikawalong puwesto sa listahan ng mga nanalong senador noong 2013, ngunit aniya mangangailangan siya ng karagdagang ebidensiya bago maisagawa ang pagsisiyasat. Kay Comelec Chairman Sixto Brillantes naman, itinanggi nito ang paratang ng electronic manipulation, sinabi na ang misteryosong digital lines na natuklasan ng Department of Science and Technology ay kaunti lang ang epekto sa kabuuang bilang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mauubos ang panahon upang maresolba ang lahat ng paratang at kontra-paratang. Ang epekto ng lahat ng ito, gayunamn, ay pagdududa at kawalan ng tiwala ng maraming tao. Sapagkat walang nakikitang nagbibilang ng mga boto, ang listahan ng mga nanalo na isinuka ng isang PCOS machine sa pagtatapos ng voting period ay kailangang tanggapin ng sambayanan nang buong tiwala. At ang tiwala ay nilulusaw sa pamamagitan ng hindi pagresolba sa mga isyung inilutang laban sa Comelec.

Sa tuluy-tuloy na debate hinggil sa PCOS machines, ang mga opisyal na kaugnay nito ay maaaring tingnan ang katotohanang inilutang ng mga pamilyar ng mabilis na kaunlaran sa teknolohiya. Maaaring naiwan na ng mas bago at mas mahusay na sistem ang PCOS machines ng 2010 at 2013. May nagmungkahi na sa halip na kumpunihin ang mga lumang makinang ito, ang mas bago ngunit mas murang kasangkapan tulad ng mga laptop ang gamitin upang electronikong ipadala ang mga resultang binilang nang manu-mano sa mga voting center – na may kaukulang seguridad siyempre.

Ang manu-manong pagbibilang ang sagot sa paratang na kapos sa transparency ang PCOS count, habang ang paggamit ng mas bago, mas simple, at mas murang kasangkapan ang makapagpapatipid sa bansa ng bilyun-bilyon na puwesado tayong ilustay kada tatlong taon.