LISBON, Portugal (AP) - Ipinakulong ng isang hukom si dating Portuguese Prime Minister Jose Socrates noong Lunes habang nilalabanan ng dating lider ang mga akusasyon ng corruption, money-laundering at tax fraud.

Nagpasya ang hukom matapos ang inisyal na pagdinig na nakitaan ng sapat na ebidensiya sa mga akusasyon upang panatilihin sa kustodya ng pulisya si Socrates, ayon sa korte. Sinabi ng kanyang abogado na iaapela nila ang desisyon.

Iniulat ng media na si Socrates, 57, ay pinaghihinalang nagkamal ng 20 million euros na yaman sa pagtanggap ng mga suhol habang siya nasa kapangyarihan mula 2005 hanggang 2011

'Walang matitira, ubos sila!' Netizens napa-react na i-firing squad mga korap