VIENNA (Reuters) – Nabigo ang Iran at anim pang makapangyarihang bansa noong Lunes sa ikalawang pagkakataon ngayong taon na maresolba ang 12-taong stand-off sa ambisyong nuclear ng Tehran at binigyan ang kanilang mga sarili ng dagdag na pitong buwan para makuha ang makapangyarihang kasunduan.
Sinabi ng Western officials na target nila na magkaroon ng matibay na kasunduan sa Marso ngunit maraming oras pa ang kailangan para plantsahin ang mahahalagang technical details.
Sinabi ni Iranian President Hassan Rouhani, sinisikap na maalis ang international economic sanctions sa pagpapabuti ng relasyon sa West, na bumubuti na ang relasyon ng magkakabilang panig sa huling pag-uusap sa Vienna.