Nauwi sa madugong engkwentro ang pagsisilbi ng search warrant ng mga tauhan ng Las Piñas City Police-Intelligence Unit sa isang bahay na ikinamatay ng dalawang suspek sa lungsod kahapon ng umaga.

Patay ng idating sa pagamutan ang suspek na si Mandy Sulayman Abubakar at isang hindi pa kilalang kasamahan nito, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon kay Las Piñas Police chief Seniro Supt. Adolfo Samala Jr., dakong 6:00 ng umaga nagpunta ang mga pulis sa bahay ni Abubakar sa Barangay Talon 5 upang isilbi ang search warrant nang bigla silang paputukan ng dalawang suspek kaya napilitang gumanti ng putok ang awtoridad.

Tumagal ng halos isang oras ang engkuwentro hanggang sa makitang duguang bumagsak si Abubakar at kasama nito na agad dinala naman sa ospital subalit namatay ang dalawang suspek.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Narekober ng pulisya sa mga suspek at sa loob ng bahay ang dalawang kalibre .45 baril, isang 22. caliber, isang .38 revolver, isang .9mm pistol, isang granada, tinatayang 1 kilong shabu, drug paraphernalia at limang digital weighing scale.