CLEVELAND (AP) – Naging prangka si LeBron James sa kanyang assessment kung ano ang kalagayan ng Cavaliers makaraan ang 12 laro.
‘’We’re a very fragile team right now, we were a fragile team from the beginning,’’ sabi ni James makaraang mapakawalan ng Cleveland ang 18 puntos na kalamangan at matalo sa Toronto Raptors 110-93, kahapon at malasap ang ikaapat na sunod na kabiguan. ‘’Any little adversity hits us, we just shell up.’’
Ang Cavaliers, kinukunsiderang pinakamagaling na koponan sa liga nang mag-umpisa ang season, ay tinamaan ng maraming pagsubok. Ang Cleveland ay kasalukuyang may 5-7, panalo-talo, na rekord, at naging usapusapan ang pangangapa ng koponan at masamang body language ng mga manlalaro. May isang araw na pahinga ang Cavaliers bago nila harapin ang Orlando sa Martes.
Sa kabila ng mga problema, kumbinsido si James na paparating na ang magagandang araw.
‘’I’m very optimistic,’’ aniya. ‘’I’m very positive, more positive than I thought I’d be right now. We’ll look at what we did wrong, the things we did right and be ready (for Monday). It’s still too early for me. ... I can’t be negative at all. Once I crack, it trickles down to everybody else, I would never do that to these guys.’’
Umiskor si Lou Williams ng kanyang career-high na 36 puntos para sa Toronto, na nakakuha ng apat na sunod na panalo para sa pinakamagandang umpisa nila sa kasaysayan ng prangkisa, 11-2. Naghabol ang Raptors sa 26-8 may apat na minuto sa laro bago ipinakita kung bakit sila ang may pinakamagandang rekord sa Eastern Conference.
Lumamang ang Toronto sa 56-54 sa haltime at nakuha ang kontrol sa kalagitnaan ng third quarter. Nakaabante sa 19 puntos ang Raptors sa ikaapat na yugto.
‘’We knew that train would come out roaring, but we slowed them down in the second quarter,’’ lahad ni Toronto coach Dwane Casey. ‘’Our guys were strong enough to withstand their onslaught.’’
Nakaiskor si Kevin Love ng 23 puntos habang 21 ang kay Kyrie Irving upang pangunahan ang Cleveland. Si James, na naupo sa bench sa huling 6:20 at nagtapos na may 15 puntos, 10 assists, at isang rebound.
Gumawa si Kyle Lowry ng 23 puntos, habang nagdagdag si DeMar DeRozan ng 20 para sa Toronto, na lumamang ng 52 puntos noong Sabado sa kanilang 124-82 pagwawagi kontra Milwaukee.
Resulta ng ibang laro:
Mimai 99, Orlando 92
Phoenix 106, Indiana 83
New York 91, Phildelphia 83
Houston 95, Dallas 92
Sacramento 113, Minnesota 101
Washington 111, Milwaukee 100
San Antonio 99, Brooklyn 87
New Orleans 106, Utah 94